Hindi kita tinawag na pangarap,
dahil ang pangarap ay naglalaho.
Ikaw ay dumating na parang katotohanang
hindi handang salubungin ng mundo.
Sa bawat ngiting itinatago natin,
may lungkot na 'di nakikita ng mata.
Hindi mali ang salitang "tayo." aking mahal,
ang mundo'y sadya lamang mapanghusga.
Kung may distansyang kailangan,
ito’y hindi kawalan ng damdamin.
Ito’y paraan ng pag iingat,
sa isang pusong ayaw masaktan.
At kung hindi man tayo ang wakas ng kwento,
ikaw ang pahinang hindi ko lalampasan.
May mga pag ibig na hindi sinisigaw,
ngunit habang buhay ay nananatili.


