Pamilyang kay saya, mararanasan pa kaya?
Ako'y hindi nanggaling sa isang hiwalay na pamilya,
marahil ay iisipin ng iba na kami ay masaya.
Pero para saakin, hindi porket kumpleto ay perpekto. Maraming pangyayari ang makapagsasabi nito,
tulad ng mga hiyawan at iyakan. Na parang wala ng kinabukasan,
kung magbulyawan.
Pamilya ba kamo? o isang doll house ito.
Kung kami'y ganito,
paano pa sila.
Mga taong hindi kumpleto ang pamilya,
masaya ba sila — paano nila nakakaya?
Saaking palagay, minsan mas maayos ng maging katulad nila.
Kahit hindi buo, masaya naman sa piling ng bawat natitira.
Minsan aking naiisip,
na kahit may pangyayaring ganon.
Kahit ganoon paman,
sa aking pamilya — ako ay masaya.
Hindi naman palaging bangayan,
Hindi palaging alitan.
Hindi naman palaging ganoon,
mayroon ring aliwan at kwentuhan.
sayawan at kantahan,
pakikihalubilo at pakikilaro.
Ano nga bang mas masaya?


