sa bawat letrang aking nakikita,
at sa bawat salitang aking nababasa.
Iisa lang ang aking hinuha,
sakit mula sa iyong mga salita.
Bakit ngayon pa,
kung kailan ako'y nahulog na.
Nawa'y iyong agarang sinabi,
bago magtagpo ating mga labi.
Aking puso'y naninikip,
habang ako'y nakatitig.
yaring sulat mo'y,
may hatid na kirot.
dapawat ganito nanga ang mga pangyayari,
hindi alam kung ano pang dapat sambitin.
Naguguluhan kong isip,
tama bang ako'y iyong lisanin.
Aking kamay na nginginig,
mga matang nagnining ning - sa luhang pinipigil.


