Isang pangarap na hindi dapat abutin,
ang iyong pangalan na kay hirap sambitin.
Mga mata nila’y tila rehas,
na saatin ay nakamasid.
Bawat titig ay babalang walang tinig,
bawat bulong ay hatol na di mababawi.
Sa mundong takot sa ating damdamin,
pag-ibig ang kasalanang itinanggi.
Sa dilim natin hinabi ang mga pangarap,
kung saan walang mata, walang batas.
Ngunit kahit lihim ang bawat yakap,
alam naming pansamantala lamang ang lahat.
At ngayon, ako’y gigising sa katotohanan.
May pagmamahal na hindi pinipili.
Hindi dahil kulang ang pag-ibig,
kundi dahil may mga pangarap
na mahirap at hindi na dapat abutin.


