Ginoong may pangalang kahawig ng bituin,
Tala kung siya’y aking tatawagin;
isang ginoong nagngangalang Jaymen Estares,
pangalan pa lamang ay hindi madaling abutin.
Tila tanong kung saan at paano maaabot
ang bituing minsang nasilayan sa dilim;
ngunit kung mamarapatin mo lamang na titigan,
malalaman mong ang Estares ay isang bituin.
eSTARes—isang bituin na hinabi ng langit,
hindi basta ilaw na nahuhulog sa kawalan;
kundi pangalang may dalang hiwaga,
tila itinakda upang aking matagpuan.
Hindi siya bituing bigla na lamang naglalaho,
kundi ilaw na marahang gumagabay;
sa dilim ng aking pag-aalinlangan,
siya ang liwanag na di kailanman nang-iwan.
"Ako ang binibining, nagmamasid sa ganda ng iyong liwanag."


