Sa mundong ating ginagalawan, may isang bagay na sisira sa ating kapaligiran. Ang mga taong magmumulat sa atin dito, ay siya ring pinagmulan ng gulo. Kanilang sasabihin na ito ay para saatin, ngunit makakatulong nga ba ito o makakagawa ng pagguho ng ating mundo.
Akin sa inyong ipapakilala ang isyu patungkol sa Artificial Intelligence, ano nga ba ito at anong magagawa nito. Ang AI or Artificial Intelligence ay ating ginagamit sa ating mga gadgets. Nagagawa nitong tumulong sa paghahanap ng mga kasagutan, pagsagot sa mga katanungang hindi masagot ng tao, paggawa ng litrato at bidyo na nakakapag entertain sa ating mga tao.
Mayroon itong maganda at hindi magandang epekto saatin. Ang magandang epekto ay nakakatulong sa mga estudyante sakanilang pag-aaral, lalo na sa paghahanap ng mga literatura. Ngunit ito ay mayroong hindi magandang epekto sa kapaligiran at gayon na rin sa ating pag aaral at mag aaral. Ang hindi magandang epekto sa pag-aaral, ginagamit ito ng mga mag-aaral hindi para matuto kung hindi para mandaya o manlamang sa kapwa. Ginagamit ito sa mga aktibidad at asignatura ng hindi na ginagamit ang kaisipan.
Masamang epekto sa mag aaral, unti-unting nahihirapan mag isip para sa sagot sa asignatura at aktibidad dahil inaasa na lamang sa Artificial Intelligence ang lahat ng dapat gawin. Hindi magandang epekto sa kapaligiran, sinasabing ginagamit ng Artificial Intelligence ang ating katubigan dahil ang sistema at ang data center ay nangangailangan ng kuryente at pagpapalamig. Dahil dito, maaari silang kumonsumo ng tubig at iba pang likas yaman. Kung ito ay pilit na gagamitin, paano na ang future natin. Kapag tayo ay naubusan ng inumin, papaano tayo mabubuhay. Kahit sabihin na may pagkain, paano kapag nabulunan.
Ating balikan ang usapin kanina patungkol sa litrato, hindi dapat natin iasa ang photography sa isang bagay na wala naman sa lugar na ating pinagdiriwang, sa bagay na hindi naman alam ang pakiramdam na ating naramdaman, sa bagay na hindi naranasan ang kasiyahan sa araw na iyon. Hindi ba nakakalungkot isipin na pati ang litrato na memorya para sa atin ay iaasa sa iba.
Sa lahat ng aking sinabi, isang hinuha lamang ang aking kukuhanin.
Ang kapalit ng isang pagtulong niya, ay ang madaming paghihirap sa atin. Limang minutong pag gawa niya, ay pang habang buhay nating dala.
Kaya, gamitin natin ng maayos ang AI, hindi dapat basta basta at kung ano lamang ang gusto. Isiping mabuti ang mangyayari sa bawat gagawin.

